Vacation with Ondoy: Part 3 Crocs Farm


Wow! Ang laking buwaya! Buntot pa lang katawan ko na. Buti na lang at skeleton na lang sya. Heto pic nya oh:


This dead croc is measured about 18 feet, was caught alive in the islands of Palawan, kumakain na daw kc sya ng tao kaya dapat na itong hulihin.

Di pa nakontento ang palawenyo, nagpadami pa sila ng buwaya. Heto pic ng mga baby na buwaya. Kahit baby, di sila cute.


Pagkatapos namin dumaan sa breeding area, punta kami sa cage ng grown up na crocs. May buhay pa palang malaking crocs... Mag-isa lang sya sa cage nya at nakahiwalay sa smaller crocs. Sa taas kami dumaan kc nasa ilalim sila. Napaka tahimik at hindi sila gumagalaw. Siguro naghihintay sila kung may malalaglag na tayo. lol!



Aaaaay! Nangangatog ang tuhog maglakad sa bakal na tulay. Lahat ng crocs nakangiti. Feeling ko talaga nag-aabang sila sa akin. Heto pa ibang pic nila.


Bukod sa crocs, madami naman palang animals sa loob ng park eh. Kala ko naman puro mga buwa lang.

Wow! Sobra na yata kami naaliw sa mga buwaya. Ngayon lang namin napansin na mainit ang panahon.... at parang walang ulan.... Asan na si Ondoy?

Bwisit ka talaga. Kung kelan hindi natuloy ang underground river tour, saka sya nawala.

Anyway, heto ang ilan sa mga picture ng mga hayop na kasama ng mga buwaya... lol






Natapos ang tour namin. We had dinner in Bilao't Palayok Restaurant. Next day, we went back to Manila. We were delayed for about 2 hours.









Comments

Popular posts from this blog

Goldilocks Awarding

Army Dignify Airmen

Globe Duo Line