Posts

Showing posts from October, 2007

Ang Kwento ni Inday

Image
Bigla na lang nauso ngayon ang mga jokes tungkol kay Inday. Noon Erap jokes ang sumasabog. Tapos sinundan ng Gloria jokes. Haaaay! Kakaiba naman ito. Di siguro magtatagal at magkakaroon ito ng sitcom. Ang pangunahin tauhan, syempre si Inday. Heto nga pala ang ilan sa mga nakuha kong Inday jokes na kumakalat sa text at pati na rin sa email. Maloloka kayo sa katatawa. Sana huwag nating balewalain ang ating mga kasambahay. Malay nyo mas matalino pa sa atin sila. Ang Kwento ni Inday Dahil sa tindi ng kahirapan sa probinsya, namasukan si Inday bilang katulong sa Maynila. Habang ini-interview ng amo... Amo: Kelangan namin ng katulong para mag ayos ng bahay, magluto, maglaba, magplantsa, mamalengke, at magbantay ng mga bata. Kaya mo ba ang lahat ng ito? Inday: I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity and work-e