Posts

Showing posts from October, 2005

Scarefest Body Painting

Image
Naganap noong October 30 ang 2nd Body Painting Contest sa Mega Strip ng SM Megamall. Pinangunahan ulet ito ng Human Canvas, ang official na organizer sa Pilipinas ng World Body Painting Club na nagmula naman sa bansang Austria. "Scarefest Body Painting" ang title ng contest ngayon na part ng Philippine Body Painting Festival - ang pag promote ng awareness sa buong Pilipinas na ang Body Painting ay isa sa mga sining na dapat tangkilikin ng mga tao sa makabagong panahon. Sumali ulet ako sa pangalawang pagkakataon at heto ang ilan sa mga pictures ng aking model na si Alden Lee. Lord of the Demons ang title ng aking artwork. Frozen Lady & The Lord of the Demon Demon Family

Puerto Galera Oct 2005

Image
A las dose ng tanghali ng bumiyahe kami ni Arvin, isa sa mga ka-teammates ko na alas 3 ng umaga hanggang alas dose ang shift. Sya lang ang bukod tanging ka-teammate namin na hiwalay ang shift sa karamihan samin. Sumakay kami ng taxi papuntang Buendia. Doon kc ang sakayan papuntang Batangas Pier. Sayang wala akong picture ng mga detalye ng pagpunta namin sa Batangas kasi naiwan kaming dalawa. Nauna na kasi ang ibang kasama namin sa team. Umalis sila ng pasado alas diyes ng umaga sa Market Market. Bibili sana ako ng phone na may camera kaya lang baka magahol kami ni Arvin. Unang Team Bldg kasi ito ni kolokoy. Pagdating namin doon ay sinalubong na kami ng buong team. Lulan ng MB Brian, dumaong sa dalampasigan ang aming sinasakyang bapor. Sabi ni Arvin, nakatulog daw ako ng mahimbing sa gitna ng dagat. Ikaw ba naman ang iugoy ng bapor na may kasabay pang tunog ng paghampas ng tubig ng dagat sa gilid ng bapor, di ka ba makakatulog? Buti na lang at suot ko ang Tribu na Sandals na binili ko k

Nude Session with Maricel Soriano

Image
Thursday noon ng sipagin akong pumunta sa Nude Session sa Makati. Hindi ko kc matanggihan si Maestro Pol Gustilo. Dumating ako doon sa UCPB ng alas tres pasado. Mali kasi ang bldg na tinext sakin ni Maestro Pol. UCBP pala at hindi RCBC. Lumagpas ako ng 3 kanto mula sa UCPB. Napamahal pa tuloy ang bayad ko sa taxi. Pagdating ko doon, balak ko lang ay manood. Bawal pala. Sayang at wala akong dalang gamit pangguhit. Buti na lang at mabait si Maestro Pol at pinahiram nya ako ng mga pangkulay. Naupo na ako at nagsimulang gumuhit. Pinagmasdan kong mabuti ang katawan ng babaeng nakahandusay sa sahig. Walang saplot! Tanging balat lang nya ang kanyang suot. Napakakinis ng katawan. Ang mga buhok ay waring sinuklay at maayos na nakakalat sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Ilang saglit pa ay biglang bumangon ang hubad na modelo. Nabitin ako... sa aking pagguhit! Maya maya'y biglang pumasok si Maricel Soriano. Oooops! Kung inaakala nyong hubad si Maria, nagkakamali kyo. Ahehehe! Umupo sya s