Vacation with Ondoy: Part 2
Sunday ng umaga. Wow! Syempre excited ako. Ang aga ko gumising. Paikot-ikot ang pwet ko at di mapakali. Naka schedule kasi ang pagpunta namin sa St. Paul's Subterranean Aquatic National Park. San yun? Underground river po sa Palawan!
Tawag ako sa reception. "Hello, what time ang tour?" sabi ko.
"Sir, mamayang 7am pa po. Alas 5 pa lang. Mag breakfast po muna kayo ng 6am" sabi nung magandang receptionist.
Ngak! Maaga pa nga. Sige, ligo muna ako. Hehehe! Unahan ko muna mga kasama ko maligo.
Ayan! Umuulan na naman. May kutob akong baka hindi matuloy ang tour.
Nag breakfast muna kami mga 6:30am. Ayun, natapos kami mga past 7am pero wala pa rin advice. Maulan pa rin. Tinamaan ka naman ng lintik oh! Sino ba may balat sa pwet jan?
Balik kami sa room namin at naghintay ng tawag...
Riiiiiingggg! Rinnngggg! Kurriinnnng!
Ayan naaaaah! Excited and lahat... Lapit kami sa phone...
"Ahem... Hello?" sabi ko.
"Sir di po tayo matutuloy. City tour na lang po tayo ng 1pm ha?"
"Oh k." sabi ko. Sabay simangot. Haaay... Ganon talaga ang buhay!
Kaya niyaya ko ang buong group para lumabas. We have to enjoy our vacation. I said with full conviction.
We rented 2 tricycles and we got a bargain of city tour for only P700 each. Our first destination is Honda bay. We didn't get much picture about it kc umuulan.
Next stop is Vietnam Village. Heto ang ilan sa mga picture.
Then, we ate lunch in, of course where else?, Vietnam Restaurant! It's really different from Phobac or Pho-a in Manila. The taste is very vietnamese. lol!
Oh by the way, we caught a small turtle a long the way. However, when we got back from lunch, the turtle escape. I was sad... =(
We hit the road again and to the Butterfly farm we go. Here are the pics:
Aside from butterflies, meron din ibang insects doon. Heto ang ilan sa nakita ko:
Tapos, nagpunta kami sa Baker's Hill. Madami sigurong panadero dito. Wow! Ang ganda ng bahay ng panadero dito ah. May mga garden at statue pa. Heto mga pic:
Mula sa Baker's Hill, nagtungo kami sa Mitra's ranch. Wow, Manong Mitra, bakit sikat na sikat ka? Ang ganda ng rancho mo ah. Mukhang malaki kinita mo noon Speaker ka pa. Heto konting pic with Mitra:
Ayun, derecho kami ng Crocodile Farm. Yeppee! Nakalimutan ko yung bago name ng park, ang haba kc kaya Crocodile farm na lang. Pero may conservation and protection something pa sa name yun.
Wow! Ang laking buwaya! Buntot pa lang katawan ko na. Buti na lang at skeleton na lang sya. Siguro part 3 na natin ito? Masyado na mahaba... lol!
Comments
Post a Comment