Hubad













Kakagaling ko lang noon sa opisina kasi sinamahan ko ang kaibigan ko na mag-apply sa company namin. Kumaripas ako ng takbo papuntang Saturday Group sa Alimall Cubao. Alam kong late nako kc pasado alas-dos na. Derecho ako sa taas na bahagi ng Alimall. Sabi kc ni Maestro Paul Gustilo sa taas daw ang gallery. Umikot ako hanggang sa kabila pero di ko nakita.

Bumaba na lang ako sa 2nd floor. Bitbit ang aking portfolio, binaybay ko ang 2nd floor. Dahandahan akong naglakad at nakita ko ang isang gallery na puro tabing. Ang LAKI (liit) ng sign board nila... Artist in session... nakapaskil sa pintuan ng gallery. Pumasok ako at nanlaki ang mata ko! Aba! May bebot na nakahubad sa gitna ng gallery.

Ang Saturday Group ay pinalilibutan ng mga paintings. Natural, gallery nga eh.

Bata at matanda ang nandoon. (Sorry na lang sa mga malilibog, pero ART ang punta ko dito!) Kaya hayon, kinausap ko ang orgranizer kung pano sumali kasi wala si Maestro Paul dahil nagpa-extend sya ng stay sa Hongkong. May one-man-exhibit kasi sya. Invite nga din pala ako ni Maestro Paul na sumama sa kanila sa group exhibit nila sa Singapore sa darating na December. Sana palarin ako at makasama...

Pinayagan na nila akong makita ang mga hubad na babae. Ako naman nagmasid muna bago ako nagsimulang gumuhit. Isa sa mga artworks ko ang napili ng organizer. Hulaan mo na lang kung alin sa taas ang kinuha ng organizer.

Comments

Popular posts from this blog

Army Dignify Airmen

Broadband USB Modem Unlocker

Tumblraty...