Be Rule Now


Welbourne daw ang pangalan nya. Bago kong kaibigan. Nakakatuwa sya. Kaya noong pangalawang beses kaming magkita, may naisip agad akong painting. Sinamahan ko sya sa office ko noon para mag apply. Thursday yun, November 17, 2005. May appointment pa sana ako sa gallery ni Malang sa may Cubao pero inuna ko muna sya.

Habang sinasagutan ni Welbourne ang application form, malaya naman akong gumuguhit. Sabi ko sa kanya, "Mauuna pa akong matapos mag painting syo bago ka matapos sumagot diyan."

"Be Rule Now" - yan ang title ng bulaklak na artwork ko para sa kaibigan ko. Special kc sya sakin. Kung baga sa siopao, may pink na bilog sa ibabaw.

Ngayon, subukan mo ngang hulaan kung ano ang totoong title ng painting ko? Post mo sa comment ha...

Comments

Popular posts from this blog

Army Dignify Airmen

Broadband USB Modem Unlocker

Tumblraty...