Posts

Showing posts from 2005

Hubad

Image
Kakagaling ko lang noon sa opisina kasi sinamahan ko ang kaibigan ko na mag-apply sa company namin. Kumaripas ako ng takbo papuntang Saturday Group sa Alimall Cubao. Alam kong late nako kc pasado alas-dos na. Derecho ako sa taas na bahagi ng Alimall. Sabi kc ni Maestro Paul Gustilo sa taas daw ang gallery. Umikot ako hanggang sa kabila pero di ko nakita. Bumaba na lang ako sa 2nd floor. Bitbit ang aking portfolio, binaybay ko ang 2nd floor. Dahandahan akong naglakad at nakita ko ang isang gallery na puro tabing. Ang LAKI (liit) ng sign board nila... Artist in session... nakapaskil sa pintuan ng gallery. Pumasok ako at nanlaki ang mata ko! Aba! May bebot na nakahubad sa gitna ng gallery. Ang Saturday Group ay pinalilibutan ng mga paintings. Natural, gallery nga eh. Bata at matanda ang nandoon. (Sorry na lang sa mga malilibog, pero ART ang punta ko dito!) Kaya hayon, kinausap ko ang orgranizer kung pano sumali kasi wala si Maestro Paul dahil nagpa-extend sya ng stay sa Hongkong. May one...

Be Rule Now

Image
Welbourne daw ang pangalan nya. Bago kong kaibigan. Nakakatuwa sya. Kaya noong pangalawang beses kaming magkita, may naisip agad akong painting. Sinamahan ko sya sa office ko noon para mag apply. Thursday yun, November 17, 2005. May appointment pa sana ako sa gallery ni Malang sa may Cubao pero inuna ko muna sya. Habang sinasagutan ni Welbourne ang application form, malaya naman akong gumuguhit. Sabi ko sa kanya, "Mauuna pa akong matapos mag painting syo bago ka matapos sumagot diyan." "Be Rule Now" - yan ang title ng bulaklak na artwork ko para sa kaibigan ko. Special kc sya sakin. Kung baga sa siopao, may pink na bilog sa ibabaw. Ngayon, subukan mo ngang hulaan kung ano ang totoong title ng painting ko? Post mo sa comment ha...

Army Dignify Airmen

Image
Giyera ba ang sagot sa kapayapaan? Para sakin? Hindi ko alam... Pero ang titulo ng aking obra ngayon ay bahagi lang ng totoong titulo ng aking painting. Isa ito sa mga artworks kong ilalabas sa mga susunod na araw. Mga painting na mag-iisip ka muna bago mo malaman ang tunay na kahulugan at tunay na title. Kung titignan mo ang painting sa taas, aakalain mong simple lang. Pero, simple nga lang ba ang obra kong ito? Subukan mong i-decode ang totoong title nito... "Army Dignify Airmen" Sasabihin mo pa kayang simple ang obra ko?

Two Naked Thang

Image
Wala na naman akong magawa. Ang isip ko naglalaro na naman sa kawalan. Hindi ko alam kung san ako pupunta... manonood ba ng movie o matutulog na lang. Tinatamad naman akong lumabas ng bahay, paano ako manonood ng movie? Hindi naman ako inaantok, paano ako matutulog? Kinuha ko ang aking sketchpad at mga pangkulay at sinimulan kong paglaruin ang aking mga daliri sa puting papel. Hinayaan ko lang na kusang gumapang ang mga daliri ko sa nakalapat na papel sa sahig ng aking kwarto. Nakasalampak ako sa sahig at doon ko ibinuhos ang aking kabagutan noong mga oras na iyon. Isang obra, para sakin, ang makikita mo sa aking artwork. Kahit saang sulok mo tignan, iba ang dating. Halika! Suriin mo... Paganahin mo ang iyong kaisipang matagal nang natutulog... Halika! Suriin mo...

Scarefest Body Painting

Image
Naganap noong October 30 ang 2nd Body Painting Contest sa Mega Strip ng SM Megamall. Pinangunahan ulet ito ng Human Canvas, ang official na organizer sa Pilipinas ng World Body Painting Club na nagmula naman sa bansang Austria. "Scarefest Body Painting" ang title ng contest ngayon na part ng Philippine Body Painting Festival - ang pag promote ng awareness sa buong Pilipinas na ang Body Painting ay isa sa mga sining na dapat tangkilikin ng mga tao sa makabagong panahon. Sumali ulet ako sa pangalawang pagkakataon at heto ang ilan sa mga pictures ng aking model na si Alden Lee. Lord of the Demons ang title ng aking artwork. Frozen Lady & The Lord of the Demon Demon Family

Puerto Galera Oct 2005

Image
A las dose ng tanghali ng bumiyahe kami ni Arvin, isa sa mga ka-teammates ko na alas 3 ng umaga hanggang alas dose ang shift. Sya lang ang bukod tanging ka-teammate namin na hiwalay ang shift sa karamihan samin. Sumakay kami ng taxi papuntang Buendia. Doon kc ang sakayan papuntang Batangas Pier. Sayang wala akong picture ng mga detalye ng pagpunta namin sa Batangas kasi naiwan kaming dalawa. Nauna na kasi ang ibang kasama namin sa team. Umalis sila ng pasado alas diyes ng umaga sa Market Market. Bibili sana ako ng phone na may camera kaya lang baka magahol kami ni Arvin. Unang Team Bldg kasi ito ni kolokoy. Pagdating namin doon ay sinalubong na kami ng buong team. Lulan ng MB Brian, dumaong sa dalampasigan ang aming sinasakyang bapor. Sabi ni Arvin, nakatulog daw ako ng mahimbing sa gitna ng dagat. Ikaw ba naman ang iugoy ng bapor na may kasabay pang tunog ng paghampas ng tubig ng dagat sa gilid ng bapor, di ka ba makakatulog? Buti na lang at suot ko ang Tribu na Sandals na binili ko k...

Nude Session with Maricel Soriano

Image
Thursday noon ng sipagin akong pumunta sa Nude Session sa Makati. Hindi ko kc matanggihan si Maestro Pol Gustilo. Dumating ako doon sa UCPB ng alas tres pasado. Mali kasi ang bldg na tinext sakin ni Maestro Pol. UCBP pala at hindi RCBC. Lumagpas ako ng 3 kanto mula sa UCPB. Napamahal pa tuloy ang bayad ko sa taxi. Pagdating ko doon, balak ko lang ay manood. Bawal pala. Sayang at wala akong dalang gamit pangguhit. Buti na lang at mabait si Maestro Pol at pinahiram nya ako ng mga pangkulay. Naupo na ako at nagsimulang gumuhit. Pinagmasdan kong mabuti ang katawan ng babaeng nakahandusay sa sahig. Walang saplot! Tanging balat lang nya ang kanyang suot. Napakakinis ng katawan. Ang mga buhok ay waring sinuklay at maayos na nakakalat sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Ilang saglit pa ay biglang bumangon ang hubad na modelo. Nabitin ako... sa aking pagguhit! Maya maya'y biglang pumasok si Maricel Soriano. Oooops! Kung inaakala nyong hubad si Maria, nagkakamali kyo. Ahehehe! Umupo sya s...

Puyat at Bangag

Image
It was Tuesday noon at galing ako ng work. Hindi pa ako natutulog kc pupunta pa kami ni Genn (TC ko sa MS) sa Dentist. Actually wala ako balak sumama noon, pero dahil sa wala din naman akong gagawin sa bahay kundi mag-isa, sumama na rin ako. Bago kami tumuloy sa dentist, dumaan muna kami sa UCPB sa may Ortigas. May kinuha sya cash. Heto ang picture ko noong nasa bangko kami: ahehehe! Mula sa UCPB nilakad namin papuntang Mandaluyon... Yes! sa loob nga! ward 7! Joke... ahehehe! Dumaan kami sa mega kc mainit sa labas kahit na makulimlim. Pagdating namin sa MRT Shang biglang bumuhos ang ulan... patay kang bata ka... takbo kami at sakay ng tricycle papunta kina Doc Odet, dentist ni Genn. Nauna pagpaayos ng ngipin si Genn. May braces kc sya at nagpapaganda sya ng teeth nya kaya naghintay ako ng mga 2 oras bago mailagay ang mga maliliit na goma sa kanyang ngipin. Tapos napag-isip isip ko dahil nandon na rin lang naman ako, bakit hindi magpaayos na rin ako ng teeth ko. Kaya isang oras ang ginu...

Gutom na gutom

Image
Sa wakas at tapos na 6:30 na ng gabi, Tuesday pa rin, August 23, 2005 ng kumain kami sa Max sa Shang. Wala akong masasabi kundi kain lang ng kain. Heto nga pala ang mga picture na kinuha ko sa loob ng resto: Wahehehe! Si Genn habang nagpipigil sa gutom: Ayan na! Pati ketchup papatulan: Masama na ang loob kc ice tea pa lang ang naserve: Gusto nya kainin ang pink na rose na plastic dahil sa gutom: