Puerto Galera Oct 2005







Alas dose ng tanghali ng bumiyahe kami ni Arvin, isa sa mga ka-teammates ko na alas 3 ng umaga hanggang alas dose ang shift. Sya lang ang bukod tanging ka-teammate namin na hiwalay ang shift sa karamihan samin.

Sumakay kami ng taxi papuntang Buendia. Doon kc ang sakayan papuntang Batangas Pier. Sayang wala akong picture ng mga detalye ng pagpunta namin sa Batangas kasi naiwan kaming dalawa. Nauna na kasi ang ibang kasama namin sa team. Umalis sila ng pasado alas diyes ng umaga sa Market Market. Bibili sana ako ng phone na may camera kaya lang baka magahol kami ni Arvin. Unang Team Bldg kasi ito ni kolokoy.

Pagdating namin doon ay sinalubong na kami ng buong team. Lulan ng MB Brian, dumaong sa dalampasigan ang aming sinasakyang bapor. Sabi ni Arvin, nakatulog daw ako ng mahimbing sa gitna ng dagat. Ikaw ba naman ang iugoy ng bapor na may kasabay pang tunog ng paghampas ng tubig ng dagat sa gilid ng bapor, di ka ba makakatulog?

Buti na lang at suot ko ang Tribu na Sandals na binili ko kanina sa Market Market kaya hindi gaanong pinasok ng buhangin ang aking paa. Naglakad kami sa buhanginan kasama ang buong team. Yehey! Sa wakas at andito na rin kami sa Puerto Galera! Derecho kami agad sa Kuwartong nirentahan namin. Kailangan kasi naming magpahinga muna dahil wala pa kaming tulog. Kagagaling lang namin sa 8-hr work shift kaya ganon.



Pagkatapos makapagpahinga ay kumain naman kami. Chicken Kebab at BBQ ang order namin ni Arvin. Kumain na kasi ang mga naunang teammates namin. Sunod-sunod na dumating ang ilan naming teammates. Pasado als-siyete na yata yun. Sa kabilang restobar, nakita namin si Pretty TC Michael Sam Mendez ng Project Tony (Gonzaga).



Aba may kasama pang churva ang gaga... Teka! Parang kilala ko itong churva nya ah. Si Blush aka Mark Sabas pala ang hinayupak na ito! Akala ko talagang magsyota ang mga lola... Ahem ahem ahem!


Balik sa aking kwento... Pagkatapos naming kumain, lumipat kami ng bar sa tabing dagat. Doon kami sa Yeztipzynakoh Bar. Syempre dinala namin ang tirang Chicken Kebab at Pork BBQ para gawing pulutan. Ang dami chickababes na pwede gawing pulutan dun kahit na wala pa kaming drinks. Mindoro Sling ang unang in-order namin. Sabi nila, apat (4) na tagay pa lang ay tipsy ka na pero hindi mo raw ito mararamdaman. Sige! Subukan natin! Isa-isa kaming nagtagaytagay. Sya nga pala, kasama namin ang kapatid ni TC Genn, si JV at ang kanyang "special friend" na si Nick (Juaquin? limot ko na ang surname eh... Churi churi!).







Ang tagatagay, siyempre ang batikan sa tomaan sa kanto sa may Pasig, si Blush aka LJ (lock-jaw) aka Mark Sabas. Nauna syang tumagay, syempre, papahuli ba si Sabas? Sunod si Looney, Jeffy, Remy, Alden, ako, TC Gen, Arvin, Geof, Nick, JV, at ang baby kumilos na si Joseph (may hika kc sya pero cool na cool kasama).
Team QAZ











Comments

Popular posts from this blog

Goldilocks Awarding

Army Dignify Airmen

Globe Duo Line